Thursday, September 30, 2010

Si Ryu

Masikip, at makipot na silid. Kapag inunat mo ang iyong mga braso ay tatama ang parehong kamay sa magkabilang dingding. Maalisangan at mainit. Mga bulong lamang ang maririnig kasama ng mga boses na mula sa telebisyon ukol sa commento ng CBCP sa RH Bill.

 

Gwapo sya. Maputi. Kay nipis at kay pula ng mga labi. Mabango. May mga titig na tila ba kayang tumagos sa buong pagkatao mo.

 

Itinanong ko, “Anung trabaho mo?”

“Wala Tambay. Dati akong Dancer sa Club”

“Weh di nga”

“Hindi ba halata?”

 

Matapos ko syang matikman. Matapos kong makilala ang kabuuan ng kanyang katawan, hinyaan nya akong pumasok ng kaunti sa kanyang kaluluwa, sa mga alaala ng kanyang nakaraan na bumubuo sa kung sino sya ngayon.

 

“Dise-sais (16) ako noon nung magsimula akong magsayaw sa club. May dance group kami nung high school tapos yun sumayaw na ko sa club. Naadik ako sa pera. Ok yung kita. Tapos ayun na adik din ako sa ecstasy. Hindi ko na natapos yung 4th year high school ”

“Nakadami na rin akong club na napasukan Big Papa, White Stallion. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Sumasayaw. Yun talaga gusto ko eh… sumayaw”

“Eh anung nangyari ngayon?”


“Nagaway kasi kami nung manager nung groupo namin. Pinapatake out ako eh ayaw ko naman nun. Ok naman akong kausap. Madaldal naman ako natutuwa naman mga customer sa pagkwento kwento ko”

 

Oo charming sya. Kapag kausap mo sya parang ikaw lang ang tao sa mundo. Ikaw lang ang pinakaimportanteng tao sa mundo.

 

“Bi ka ba?”

“Ha hindi. Bading ako. Kaso Straight-acting pa-min ba”

“Ha?”

“Ganto yan. Ang gusto ko lang kasi lalaki kaya bading ako. Yung paraan ng pagkilos ko hindi naman yun kelangan kapareho ng tingin ng mga tao kung ano yung bading. Yung Bi na sinasabi mo… anu yun gusto ng lalake at babae”

“Edi bi pala ako. Eto oh anak ko. 2yrs old na yan. ” Sabay kuha ng litrato

“E sino nanay nyan?”
“Yung ex ko. Kaso nasa States na sya. Iniwan nya sakin yan nung 2 months. Bente (20) lang ako nun”

“Nasan ngayon yang anak mo?”

“Nasa alabang. Nasa nanay ko kasama yung stepfather ko at yung half brother ko. Yung nanay ko kasi nagtrabaho sa Japan yun. Tas yung tatay ko, hapon yun. Kaso hindi ako binigay nung nanay ko nung naghiwalay sila”

“Kaya pala ang gwapo mo”
“Sus bolero…”

“Anong plano mo? Para sa sarili mo, para sa anak mo”


“Balak kong matapos yung High School sa Tesda. Tas alam mo yung Waiter sa barko? Gusto ko yun”

“E anu naman ginagawa mo para sa balak mong yan..”

“Wala pa nga eh. Wala pa kong pera para magsimulang mag-aral. Pero babalik din naman ako sa club siguro next month”

Tinitingnan ko sya. Yung pag-asa sa mukha nya. Yung kislap sa mga mata nya. Hindi pa sya sumusuko. Kilala na nya ang sarili nya. Yung gusto nya, yung kaya at hindi nya kayang gawin. Pero marami pa rin syang gustong makamit.

Hindi pala kami nagkakaiba. Marami ring mga pangarap. Naghahanap lang ng tiempo.

Sa totoo lang gustong gusto ko syang tulungan. Pero pano? Sarili ko nga hindi ko pa kaya. Kasing dami rin ng pangarap nya yung mga pangarap ko. Lahat drawing pa rin lang.

Siguro tama nga yung sabi nung kaibigan kong si Tony na sarili mo muna bago yung iba. Buhayin mo muna sarili mo. Ganun lang siguro. Tapos saka na natin ayusin ang mundo kapag nakakatayo na tayo sa ating sariling paa.

 

Tiningnan ko sya. Hindi naman sya humihingi ng tulong. Maari kailangan lang talaga nya ng makikinig sa kanya.

Tinanong ko sya, “Masaya ka ba?”

“Oo. Oo masaya ako. Kasi alam ko kaya ko pang iayos yung mga pagkakamali ko. Kaya ko pa…”

No comments:

Post a Comment