Thursday, October 20, 2011

Ang shota ko

Chubby ang shota ko
pero hot daddy ang dating

My bigote ang shota ko
nakakiliti...


Mahilig bumili ng Entertainment Magzine si shota
at halos 1/4 lang sa mga nandun ang kilala kong artista


OC ang shota ko
gusto nya lagi akong nagsislippers pag lumalabas ng kwarto
kasi yung aso ni landlady hindi house broken

Nakakatawa ang shota ko
minsan hihiga kami sa kama.. magkukwentuhan tapos tatawa lang ng tatawa
madalas dahil sa mababaw na usapan


Maalaga ang shota ko
hindi kakain yan hanggang hindi ako magising
kahit maging lunch na yung breakfast nya
para sabay kami


Understanding ang shota ko
minsan magrerequest ako na tawagan nya ko para magising
kasi mantika ako matulog
tapos ang record nya ay 86 missed calls...
(sorry)

Sweet ang shota ko
minsan ihahatid nya ako to work
kahit na alam kong sobrang galit sya sa traffic



Mahal ako ng shota ko
sa panahon na kailangan ko sya
lagi syang nandyan

para iyakan
para makipagtawanan
para tumulong
para magmahal


Mahal ako ng shota ko
at mahal na mahal ko din sya....


Labyu shota happy 16th! RAWR!