Ipagpatawad mo kaibigan
Pagkat hindi ko kayang bitawan
Ang mga salita ng katotohahanan
hindi ko naiintindihan
hindi mo maiintindihan
Pagkat maigi ang kasinunalingan
na sa iyo'y lubos na may kaliwanagan
na iyong sinasampalatayanan
ngunit hanggang kailan?
Naluluoy din ang pag-asa na dala ng pag-irog
at minsan lamang dumadapo ang pagkakataon upang
ang mga matang walang dungis ay buksan
ngunit hindi ako ang susugat
upang ika'y imulat
imulat sa kasawian...
Dala ng ating kabataan
Dala ng kawalang kamuangan
Kaya't tayo'y ikinukubli sa kadiliman
Marahil ay maigi ngang wala tayong nalalaman
Pagkat sa puso'y may ngiti
kahit na bulag ay walang lugami
Ipagpatawad mo kaibigan
Ipagpatawad ang kabalintunaan
Pagkat nanaisin na ikaw ay manatili
sa karimlan na may ngiti
kaysa sa liwanag
na puno ng pighati...