Wednesday, May 9, 2012

Hindi na



Found this great song in youtube...
along with this poem from the past. This was dedicated to L and J



Hindi na....

Hindi na kita iniisip bawat minuto
Hindi na ko na tinitingnan ang Friendster mo twing mag bubukas ako ng net
Hindi na kita tinetext
Hindi na pumapasok ang pangalan mo sa isip ko kapag nanonood ako ng Romance

Hindi na.

Tapos na...

Tapos na yung scrapbook natin na sinimulan natin dalawa pero tinapos kong mag isa
Tapos na rin ako sa pagliligpit ng mga pictures natin
Tapos na rin akong mag delete ng pictures natin sa cellphone ko
Tapos na yung RPG Game na niregalo mo sakin kahit hindi ko gusto pinilit kong laruin

Tapos na.

Wala na...

Wala ng nag-gu-good night sa ken
Wala na ring nagsasabi na hindi pantay ang tenga ko
Wala ng sumisigaw sakin sa telepono para gumising ako ng maaga
Wala ng ooder ng Burger Steak na double rice pag pumunta ako ng Jollibee

Wala na.

Ikaw ang Mundo. Ikaw ang Araw
Ikaw ang Umaga at ang Gabi
Ikaw ang Hangin sa lilim ng Puno ng Sumpaan
Ikaw ang Liwanag. Ikaw ang Dilim
Ikaw ang Luha at ang Ngiti

Ikaw...
Pero

Hindi na
Tapos na
Wala na

Dalawang bagay na lang.

Sana...
Sana...

Hindi na kita isipin bago matulog
Hindi na kita hanapin sa paggising

No comments:

Post a Comment