Siguro dahil na rin sa dami ng hinahabol kong deadline, puyat at pagod, hindi ko na kinaya nung itext sa kin ni Mama na hindi na naman sya makakapagpadala ng P500 na allowance ko para sa linggong iyon.
Pano na yung pambli ko ng papel para sa projects at plates ko? Pano na yung ipangkakain ko bukas, hindi na nga matino yung kinain ko kahapon... Nakakapagod na mag-isip.
Buti na lang nagawan ko ng paraan kundi siguradong gutom ako bukas at hindi makakagawa ng drawings. Kinuha ko muna yung sweldo ko sa tutorials dapat bukas pa yung sweldo pero napakiusapan ko naman yung employer ko. Dinagdag ko na yung P400 sa huli kong bente sa bulsa. P420 para sa isang linggong gastos sa pagkain, supplies...
1 in the morning while I slide my triangle and T-square across my drawing table, I was dozing off. My roommate's phone rang waking me up. It was his dad asking him if he received the money he sent. Dun, hindi ko na napigilang umiyak. Umalis ako sa table at humiga sa kama.
Bakit sya na halos walang ibang ginawa kundi magfacebook at mag-NBA live ay binigyan ng Dios ng responsableng ama? Bakit sya na nagpupuyat lang kapag nanonood ng TV series o movie e hindi binigyan ng problema sa pera? Bakit ba kailangang pagdaanan ko ang mga bagay na to?
Hindi ko na napigilang lumuha. Hindi naman ako iyakin. Dala lang siguro ng pagod at puyat kaya bumigay na ko. Alam ko naman na hindi na magkanda-ugaga ang nanay ko kakatrabaho pero bakit kasi yung tatay ko e inabanduna na kami ng ganun ganun lang...
Unfair talaga ang mundo. Alam ko naman yun...
Tinext ko si Erick dahil naisip ko malamang gising pa yun, kapwa studyante eh. Sinabi ko sa kanya hinanakit ko. Pinaalala nya sa kin na lahat ng problemang dumarating kahit parang ang bigat-bigat e kaya mo. The problems you're bearing show what you can do and what you are capable of.
Denz, adapt to whatever is given to you. You are always bigger than your problem.
Kakayanin ko.
No comments:
Post a Comment