Chubby ang shota ko
pero hot daddy ang dating
My bigote ang shota ko
nakakiliti...
Mahilig bumili ng Entertainment Magzine si shota
at halos 1/4 lang sa mga nandun ang kilala kong artista
OC ang shota ko
gusto nya lagi akong nagsislippers pag lumalabas ng kwarto
kasi yung aso ni landlady hindi house broken
Nakakatawa ang shota ko
minsan hihiga kami sa kama.. magkukwentuhan tapos tatawa lang ng tatawa
madalas dahil sa mababaw na usapan
Maalaga ang shota ko
hindi kakain yan hanggang hindi ako magising
kahit maging lunch na yung breakfast nya
para sabay kami
Understanding ang shota ko
minsan magrerequest ako na tawagan nya ko para magising
kasi mantika ako matulog
tapos ang record nya ay 86 missed calls...
(sorry)
Sweet ang shota ko
minsan ihahatid nya ako to work
kahit na alam kong sobrang galit sya sa traffic
Mahal ako ng shota ko
sa panahon na kailangan ko sya
lagi syang nandyan
para iyakan
para makipagtawanan
para tumulong
para magmahal
Mahal ako ng shota ko
at mahal na mahal ko din sya....
Labyu shota happy 16th! RAWR!
post ka pa please! you have a gift of writing good ideas and thoughts! fan mo ako!
ReplyDeleteexcuse me please....wala na bang kasunod ang mga posts mo dito sa blog mo? i really enjoy everything posted here that's why. i'm ur big fan! i hope to see more post soon or sooner. thanks!
ReplyDeletepost ka uli please! ok kang magsulat kasi huh!
ReplyDeleteWow... thanks for that ^__^ haha yep I'll try to post
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete